Z-cruz relationship



Paano matatangihan ang isang pag-ibig na unti-unting nagpapabago sa iyong sarili?  Mga pagbabagong nagdudulot ng saya at kagandahan sa araw-araw.  Pilit ko man layuan ang pag-ibig na sa akin ay ibinibigay ni Z, wala naman akong lakas upang ito'y iwasan.  May mga pagkakataon, hindi ko alam kung saan nanggagaling, na nakakahugot ako ng lakas upang iwasan siya ngunit ito'y panandalian lamang.  Matagal na ang isang araw na hindi ko siya kakausapin.  

Bakit may pag-iwas, gayung may pagmamahal din naman pala para kay Z?

Ako si Cruz at mahal ko si Z.  Magulo ang nakaraan ko dahil na rin sa mga pansariling desisyon ko sa buhay.  Ganun pa man, wala akong pinagsisihan sa mga pagkakamaling nagawa ko sa nakaraan.  Ngunit ang ilang bahagi ng aking nakaraan ay nakaka-apekto sa kung paano ko haharapin ang nararamdaman ko para kay Z.  

Maraming beses ko na hinayaan ang sarili ko na magmahal at mahalin ng iba, ngunit sa huli'y ako naman ang sawi.  Sa madaling sabi, iniiwan ako.  Noong napansin ko na paulit-ulit na lamang, tinanong ko na ang sarili ko kung ano ba talaga ang mali sa akin.  Naisip ko rin naman na ako ba talaga ang may mali?  O baka naman, edad ko ang may problema.  Bata pa kasi ako noon, kaya siguro iniiwan ako.  Bata pa, wala pang napatunayan, wala pang direksyon ang buhay, hindi pa responsable at kung ano-ano pang mga dahilan ang pumapasok sa isip ko para sagutin lamang ang tanong sa aking isipan.  Hanggang sa lumipas ang mga buwan at napapansin ko na lang na ayos na ulit ako mula sa paulit-ulit na pagka-wasak ng aking puso.  

Nadala na ako!  Natuto akong makipag-laro, ngunit hindi rin naman ito tumagal.  Hindi ko kaya.  

At dumating si Z!

Nasa makabagong panahon na ang komunikasyon namin ni Z.  Bale, ang gamit naming application ay Wechat.  Sosyal!  Iba ang pagkakagawa kay Wechat kung ikukumpara mo sa ibang social application.  Sa mga gumagamit, malamang alam nyo na ang "people nearby" na feature nito.  Oo, doon ka sya unang nakilala.  

Noong una ay may takot sa aking sarili dahilan na rin sa hindi ko naman talaga sya kakilala kahit na sa kabilang baranggay lamang sya nakatira.  Ganun pa man, naging maayos ang pag-uusap namin.  Pero madalas ko siyang iniiwasan dahil na rin sa pangambang sex lang ang habol niya at ang hanap ko lang naman ay kausap, ka-kwentuhan kapag wala talagang magawa.  Kung ilang buwan kami magka-chat, hindi ko alam.  Siguro tumagal din ng 6-8 months, o baka may 1 year na bago pa man kami magkita.  

Biglang isang araw...
Z: Nood tayo movie
Cruz: Sure, kelan ba?
Z: Now na.
Cruz:  Seryoso?
Z: Oo nga!
Cruz:  What time?
Z:  Ngayong 3:30
Cruz: Ha? eh mag 3:30 na ah
Z: kaya nga, andito na ako, hintay kita
Cruz:  Seryoso?
Z: yup!
Cruz:  Sige , mauna ka na, sunod na lang ako, text mo na lang kung saang side ka nakaupo
 ......................................................................

At doon nag simula ang lahat ng kung ano man ang meron sa amin ngayon.  Hindi ko masabi kung kami, dahil, ewan ko ba.  

...to be continued...

No comments:

Post a Comment